Bakit ngayon lang nagrereklamo sa MTRCB sa lust scene sa “Till I Met You” at hindi sa ibang TV shows?

filipinosforlife_petition_mtrcb_lust_scene_till_i_met_you_2016-1

by Anna Cosio

Sa mga nagtatanong kung bakit daw ngayon lang nagrereklamo ang mga tao sa MTRCB dahil sa lust scene sa TIMY pero hindi raw nireklamo ‘yung malalaswang eksena sa ibang TV shows, I’d like to ask you: so ano’ng ginawa niyo nung pinalabas ‘yung mga eksena na ‘yon AT NAPANOOD NIYO? Bakit hindi kayo ang nagreklamo e alam niyo palang malaswa at hindi dapat pinalabas sa TV? Tapos ngayon na may concerned citizen na nakanood at nagsalita tungkol sa kalaswaan na nakita niya sa TV, idedefend niyo pa ang kalaswaan dahil ‘yung paborito niyong love team ang involved? Puwede pong maging fan, ‘wag lang fanatic, na kahit mali na ang ipinapakita ng iniidolo e idedefend pa rin.

Hindi po tayo 24/7 nanonood ng TV kaya ang mairereklamo po natin e ‘yung mga napanood lang natin o nakarating sa atin through the Internet. Itong controversial TIMY scene e noong October 25 pa pala ipinalabas at ni hindi ko nga malalaman ang tungkol dito kung hindi dahil sa shinare na post ng friend ko sa FB. The same is true with the others who just saw a netizen’s complaint online. At noong napanood nga namin at nakita namin na hindi tama, saka kami nagreklamo at pumirma sa ongoing online petition to MTRCB. Hindi kasalanan ng mga taong nagrereklamo ngayon kung walang nagreklamo sa mga malalaswang eksena sa mga nakaraang palabas, kung hindi naman nila napanood. Ang dapat nagreport ng mga ‘yon e ‘yung mga nakanood. Sana ngayon na nakita na natin na madali lang pala magreport sa MTRCB (admin@mtrcb.gov.ph), e mas maging mapanuri at may pakialam tayong mga manonood.

Hindi rin porke rated PG o SPG e puwede nang ipalabas kahit ano. Kaya nga may mga patakaran pa rin ang MTRCB sa kung ano ang puwede at hindi puwedeng ipalabas depende sa classification ng tv show (G, PG, SPG), kasi hindi puwedeng anything goes lang lalo na’t napakadali lang i-access ng TV. At kahit ideally e nakabantay ang magulang sa anak sa panonood ng TV, alam nating hindi naman ganito ang kaso sa lahat ng pagkakataon. May mga magulang na kailangan magtrabaho hanggang gabi, so sisihin nalang natin sila kung nakanood ng malaswa ang mga anak nila? At pano kung nakabantay nga ang magulang pero naipalabas na agad ang malaswang eksena at nakita na ng mga bata, mabubura ba ng magulang sa isipan ng mga bata ‘yung kalaswaan na nakita na nila? Unfortunately, what’s been seen cannot be unseen. May responsibilidad ang mga magulang pero may responsibilidad rin ang media. At ‘di hamak na napakalaki ng responsibilidad ng media dahil napkalakas ang impluwensiya nito sa mga tao.

Last na. May mga nagsasabi rin kasi na may “moral lesson” naman daw kasi kung panonoorin ng buo ang palabas. So kailangan ba talaga magpakita ng kalaswaan sa TV para magturo ng “moral lesson? Ang mga bata po, ayon sa psychology, ay hindi basta sumusunod sa naririnig lamang nila, kundi sa halimbawang nakikita nila. “Monkey see, monkey do”, ika nga. Their problem is not the lack of information but the lack of judgment. Gagayahin lang nila ang nakikita nila. Sabi nga sa isang commercial, “Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama”. So paano sana naituro ng TIMY ang “moral lesson” doon sa eksenang ‘yon without having to undress their actors and have them simulate sex? Simple lang. Hindi nalang sana nila ginawa. It would have made a world of difference if they made Iris refuse Basti’s advances or made Basti come to his senses, and either of them say something along the lines of:

“Stop. Hindi ito tama. Malapit na naman tayong ikasal, so let’s just wait for our wedding night. Do it on our marriage bed, sa tamang lugar at sa tamang panahon.”

Imagine if the scene turned out like this. They would have not only taught the lesson, but would have also garnered the approval of the parents who are watching. But nope, they chose the path of controversy. I don’t know about the ratings of this show, but doing that scene made them look desperate for attention. Sayang talaga. Not only did they lose some fans and the trust of many parents, they also lost a great opportunity to make a difference in the lust-crazed world of liberal media, which most of us are honestly already sick and tired of.

Keeps on writing and writing and writing

Tagged with: , , , ,
Posted in News/Commentary, Sex Education, Youth

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,962 other followers

%d bloggers like this: