Responses to 11 questions during the Youth for Life Symposium in Divine Word College, Mindoro

filipinosforlife_youth_life_symposium_perez_20160223

Symposium on Youth and Life, 21 Feb 2016, 1:00-5:00 p.m., Fr. McSherry Gymnasium. Guest speaker: Bro. Anthony James Perez.

by Anthony James Perez

As I promised my audience during my “Youth for Life Symposium” held last Sunday at the Divine Word College in San Jose, Mindoro, I will be posting their questions here and my answers. Take note that the objective of this talk is to be able to answer the questions of our youth regarding love, sex, and relationships from our Catholic framework of being pro-life and pro-chastity. Some of the questions can be pretty crude and straightforward, and this is why I have to revert back to the ideals of chastity and modesty. Still, parental guidance is advised. grin emoticon

Q: Bakit po ba iniiwan ako ng taong minahal ko naman ng sobra?

A: That’s the reality of things. Maaaring yung taong mahal mo ngayon ay hindi ang una’t huli mong mamahalin. This is why you have to work hard and pray hard for your relationship. Bakit ka iniwan? Kailangang siya ang tanungin mo. Baka hindi mo rin makuha ang sagot na hinahanap mo kailanman. So dapat ready kang magmove on at magmahal ulit. Sa ngayon, aral muna.

Q: Paano magmove on sa taong sobra mong minahal?

A: Proseso ‘yan ng pagbangon at pagtanggap sa nangyari sa iyo, kalakip ang pag-asang magiging maligaya ka rin balang araw. Tulungan mo ang sarili mo. Unfriend at block sa Facebook at burahin ang cp number kung kailangan. Paligiran mo ang sarili mo ng mga taong tutulong sa iyo. Patawarin mo siya at ang iyong sarili. Huwag panghawakan ang galit at hinanakit. Higit sa lahat, magfocus sa pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Q: Girl po ako. Pwede ko po bang iparamdam sa isang tao ang feelings ko na matagal na panahon ko na siyang mahal?

A: Paano mo nasabing mahal mo siya? Dahil may feelings ka para sa kanya? Remember, love is more than just feelings. Love is the commitment to do what is good for a person without asking for anything na kapalit. Gaano mo siya kilala? Love involves friendship and if you’re pursuing a romantic relationship, you also have to share common values. Have you determined all these yet? Kung hindi, malamang hindi pa love ‘yan. Pero hindi ko sinasabing hindi siya magbubunga sa love. For now, your role is to be the best student you can be. Develop your knowledge, your talents, your personality and character. Sa tamang panahon, pag graduate mo at maraming trabahong nakapila sa iyo, you will have more gifts to give your beloved. Love is sharing yourself as a gift. Polish and cultivate your giftedness first.

Q: Paano po ma-overcome ang aking self-crisis?

A: Maraming klaseng krisis. It’s best you see a psychologist or your counsellor for your crisis. Don’t forget to pray and ask God to strengthen you during this time of crisis.

Q: Paano ko po malalaman kung siya na po ang para sa akin?

A: Una, you have lots of time after you graduate to determine kung para kayo sa isa’t isa.

Second, I have a personal check list using the Greek’s four notions of love:

  • Storge – meaning love between friends. The foundation of all romantic relationships is friendship. Masasabi mo bang dumaan kayo sa pagiging magkaibigan?
  • Philia – sharing common values. Pareho ba kayo ng values? Anong values mo sa buhay? Anong values niya? This is also the reason why I highly discourage relationships with people from a different religion. Complikado yan. It’s best na huwag niyo nang pasukin.
  • Eros – passionate, romantic love. You have to be attracted to this person and you can be comfortable with the thought na siya ang magiging ama o ina ng mga future kids mo. Magkaibigan nga kayo, sharing common values, pero di mo masikmura ang itsura nya. Paano kayo sa honeymoon at pagtapos ng honeymoon?
  • Agape – self-giving love without expecting anything in return.

Q: Bakit may mga asawang naghihiwalay? frown emoticon

A: Marami siguro silang problema na hindi nila maresolba. Tandaan ninyo lagi na kahit nag-aaway sila at naghihiwalay, mahal na mahal nila kayo. They loved you the best way they knew how.

Q: Bawal po ba magpari ang bakla?

Kailangang handa ang lahat ng tao, pati na rin ang gbakla at tomboy at lahat ng miyembro ng LGBT community, na talikuran ang sarili upang masundan si Kristo. Ganito rin ang kailangan ng mga taong may same-sex attraction o SSA at gustong magpari. Para sigurado, makipag meeting ka sa iyong local vocation promoter.

Q: Di po ba gawa ng Diyos ang homosexuals? Kung pantay-pantay ang tingin ng Diyos sa tao, kasalanan po bang maging bakla?

A: Ginawa tayong lalaki at babae, pero huwag tayong maniniwala na may pinanganak na bakla. Hindi ito ang disenyo ng Diyos para sa atin, at ang pagpatol ng lalaki sa lalaki at babae sa babae ay hindi ang disenyo ng Diyos para sa sex. Maaaring hindi mo piniling maging bakla, pero nasa iyo yung pipiliin mong magpaka-bakla.

Gusto ni God na maging masaya ka, at ang tanging paraan para maging masaya ka ay ang sumunod sa sinasabi ng Diyos. Ang Chastity o ang kadalisayan ng puso at kalinisan ng katawan ay ang kagustuhan ng Diyos para sa ating lahat. Chastity is sex done the right way: with the right person at the right time (in the context of marriage).

Q: Kailangan po bang itigil ang pag-masturbate para mapanatili ang chastity?

A: Oo naman. Remember, chastity is using sex the right way, using God’s design: para sa mga kasal lamang, at upang magpalakas ng buklod ng mag-asawa at magtaguyod ng buhay na mabubuo.

Alam kong mahirap para sa kabataan ang magpigil pagdating sa masturbation. Ako rin dumaan at patuloy na dumaraan diyan. Meanwhile, keep yourself busy by learning or participating in a sport, or a hobby. Mag-aral ng musical instrument or ng arts tulad ng painting. Lastly, hindi mo kaya mag-isa na mapanatili ang chastity. Kailangan ng tulong ng Diyos, so keep praying to God that He may help you keep chaste and pure. Kapag nagkasala, tuloy agad sa kumpisalan. Magsimba lagi at tumanggap ng banal na Komunyon. Confession and Communion are the way to a holy and chaste life.

Q: Totoo po bang nakakatangkad ang masturbation?

A: Kung totoo ‘yun, dapat 8-footer na ko.

Naisip lang ‘yan ng mga malilikot ang isip pero ang tingin ko it just happens that the time when most teens do masturbation is the time when the growth spurt happens so coincidence lang. Again, whether tumangkad ka o hindi, what’s more important is you keep yourself pure.

Q: Totoo po bang mahirap magpigil?

A: Aba oo, kasama ang pagpipigil sa krus natin. Pero do not think na ang chastity ay pagpipigil lang. Chastity is also all about respecting yourself, respecting the body of the other person, and re-directing my sexual energies to something more productive. Kaya ang lagi kong payo sa mga kabataan, mag sports kayo. Stay busy. Do something more productive. Kung hindi mo kayang magpigil sa sarili mo lang, paano ka na 10 years or 5 years from now kapag inakit ka na mag-talik at magkasala, saan ka huhugot ng lakas ng loob para gawin ang tama at lumayo sa tukso?

Sex is a very precious gift from God, and this gift is spoiled if you do it at the wrong time and/or with the wrong person.

Q: Pinalaglag po ang baby dahil tinalikuran ng lalaki ang responsibilidad, pero hindi po niya alam na pinalaglag ang bata. Kasalanan pa rin po ba ito kahit hindi niya alam?

A: Ganito. Kunwari pinatay kita. Walang nakakita, walang naka-alam. Kasalanan pa rin ba ito? Yes, of course! Hindi kailangang may makakakita pa o makaka-alam para maging kasalanan ang isang bagay. Besides, akala mo ba walang nakaka-alam? Alam ng Diyos ang lahat…

Q: Ganito po kasi, may best friend po ako then broken hearted siya. Mahal na mahal ko po ang bestfriend ko. Ano po ba ang dapat kong gawin para macomfort siya, kasi po hindi ko po kayang nakikita na nasasaktan siya.

A: Abangers ka ha. Joke.

You do not have to do anything different. Iparamdam mo na nandiyan ka lang para sa kanya lalo na ngayong mga panahong nalulungkot at nasasaktan siya. Ipagpaliban mo muna ang sarili mong feelings at mag focus ka sa pagtulong sa kanya na makabangon dito sa pagsubok na pinagdaraanan niya.

Keeps on writing and writing and writing

Tagged with: , , , , , , ,
Posted in Events, presentations, Sex Education, Youth

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,962 other followers

%d bloggers like this: