Rally sa Mendiola

By Rowel Allan Rocaberte. Posting with permission.

Isang araw, may dalawang grupo na nagrarally sa Mendiola.

Group1:
EDUKASYON! EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
EDUKASYON! EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!

Group2:
CONTRACEPTIVE! CONTRACEPTIVE! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
CONTRACEPTIVE! CONTRACEPTIVE! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!

(Ano daw????????)

News reporter:
Nakikita nga natin ngayon ang isang grupo na nananawagan sa administrasyong Aquino na maglaan ng karagdagang budget para sa edukasyon ng mamamayang Pilipino. Hinihingi nila ang suporta ng kasalukuyang pamahalaan para sa libro, lapis at papel, paaralan, library, karagdagang sahod sa mga titser, at karagdagang instructional materials (na titser pa rin ang gumagastos)!

Samantala, makalipas lamang ang kalahating segundo, dumating naman ang isang grupo ng mga kababaihan na pawang mga buntis na nananawagan naman sa administrasyong Aquino na kaltasan ang budget sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama na ang budget sa EDUKASYON para naman ipanggastos para sa mga condom, contraceptive pills, injectibles, IUD at iba-ibang uri ng pampalaglag, at karagdagang impormasyon para hindi magkaanak ang mga kababaihan at para magkararoon ng “chance” na maging baog ang bawat kalalakihan at kababaihang mahihirap! Tinatayang 3B ang ilalaan ng gobyerno para sa RH Bill na ito.

Nakupo! Epic fail ‘to ah!

NO TO RH BILL na ako!

Ano ba talaga ang dapat unahin? Condom o libro? School o kontraseptibo? Haay.. nagugulumihanan si Juan dela Cruz.

Posted in Ako Ay Pilipino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: