Mga Tanong Patungkol sa RH Bill

Questions ignored by pro-RH

Oo nga naman, bakit aaksayahin ang pera ng gobyerno sa pagbili at pamumudmod ng mga artificial family planning tools tulad ng pills, condoms at IUD?

Gaya nga ng inamin ni Congresswoman Janette Garin sa RH Bill Grand Debate sa GMA News TV, ang pondo ng gobyerno ay “already spread thinly.” Kaya nga ang daming budget cut na binigay ang gobyerno sa iba’t ibang sektor tulad ng tertiary education at pondo para sa mga kababayan nating OFWs.

Kung kulang na ang pera ng gobyerno, bakit mag-aaksaya pa tayo ng pera pambili ng condoms na ang tanging makikinabang ay yung pharmaceutical companies na laway na laway na sa pera ng taong-bayan?

Isa pa, mapanganib ang mga artificial family planning tools na ito sa mga kababaihan. Gaya ng inamin ni Esperanza Cabral na nagpapataas ang birth control pills ng risk ng breast cancer sa mga kababaihan. Ang pills at IUD rin ay kumikitil ng fertilized ovum na ang ibig sabihin ay nagkakaroon ng abortion dahil sa mga ito. Ang tanong, bakit pinipilit pa rin ipasa ang RH Bill kahit may probisyon ang mga ito na papatay sa mga ina at sa mga anak nila na nasa kanilang sinapupunan.

Tagged with: , , ,
Posted in The Economic Perspective, Women's Health
5 comments on “Mga Tanong Patungkol sa RH Bill
  1. leonor sevilla says:

    PUblic funds are put to better use than buying contrceptives, IUDs , condoms and pills which are harmful to women’s health and are abortifacient. “Thou shalt not kill” is the Fifth Commandment. Every human being has a right to life. Human life starts at fertilization (when the sperms meet the ovum).

  2. henz says:

    y is it of all topics and problems sa Pilipinas ang RH Bill ang inu-una??? wew! hindi ko maiintindihan Government natin imbes palagoin at bigyan ng trabaho ang mga tawo iba ang inaatupag… kamusta na kaya ang administrasyon ni PNOY?

  3. rei says:

    simple lang naman ang sagot sa mga RH BILL proponents eh…walang ibang solusyon sa kahirapan kundi ang mga sumusunod:
    1.) tama at mabuting pamamalakad ng gobyerno:pamamalakad na laging kapakanan ng mas nakararami o lahat ng mamamayan at hindi kapakanan ng iilan lamang,
    2.)wastong paggamit ng pondo ng gobyerno(na galing lang naman sa dugo at pawis ng sambayanang Pilipino) sa tamang proyekto, na may tamang bugdet(walang pagnanakaw) para sa may kaledad na kabuuhan o kahihinatnan.
    3.)Mataas na antas ng tunay na edukasyon na sa kalaunan ay magmumulat sa bawat Pilipino kung paano maging responsable sa kanilang buhay.
    *Ang mga Pilipino ay tunay at likas na masisipag at maaasahan kumpara sa ibang mga lahi pagdating sa trabaho at mga gawain, kaya nga patuloy na dumarami ang ating mga OFW dahil sa kaledad ng trabaho o serbisyo na ibinibigay nating mga Pilipino, subalit sino ba naman ang gaganahang magtrabaho kung ang iyong ibinibigay na parte sa gobyerno katulad ng tax o buwis ay hindi naman nagagamit sa tama, bagkus ay napupunta lang sa bulsa ng iilan.
    *kahit anong sipag ng isang tao kung bulok ang pamamalakad ng gobyerno hindi natin makakamit ang kaunlaran na ating inaasam.
    *isang aspeto na wala sa ating gobyerno ay ang pagkakaroon o pagiimplement ng long term planning na mga proyekto, dahil sa kaisipang makasarili, na hanggat may makukuha sa kaban ng bayan ay hindi aalis sa kanyang pwesto at patuloy na magnanakaw. isang negatibong kaisipan na hindi nagdudulot ng kaunlaran, kaisipang “ayos na yan basta ok ako.bahala na sila sa problemang yan.”
    *Panawagan ko po sa LAHAT ng PILIPINO, na sana po sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari sa ating bayan, sana ay patuloy tayong magsikap at maging masigasig nang sa gayon ay makamtan natin ang tunay na kaunlaran, kaunlaran sa buhay at sa uri ng pamumuhay, pamumuhay ng matuwid at may pagmalasakit hindi lang sa sarili kundi pati rin sa kapwa, at pamumuhay na may takot at pananampalataya sa Dios.
    *Sana po sa gitna ng mga kontrobersiya na ating hinaharap sa ngayong mga panahon, tayo ay huwag mawalan ng pag-asa na maaayos din ang lahat, kasabay ng pananalig sa gabay at kapangyarihan ng Poong Maykapal na ating Tagapaglikha at patuloy na nagmamahal at gumagabay sa atin.

  4. roblan says:

    ah yeah!!

  5. CEL says:

    tama po bakit naman ipasa yan rh bill na yan ,,e baba ang moralidad ng tao..napakahalaga ng life natin kasi nilikha tayo ng panginoon..kailangan natin pangalagahan ito…basta ako kahit kailan di ako gagamit nyan contraceptives na yan dahil alam namin mag asawa na mali ito ,,,,,we stand for life bcoz we choice life..thanks GOD FOR EVERYTHING…WE LOVE YOU…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: